Nakabantay ang pamahalaan sa paggunita ng Undas para matiyak ang kaligtasan at kaginhawaan ng publiko.

Bago bumiyahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong South Korea para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit, inatasan niya ang mga ahensya ng gobyerno na magpatupad ng mahigpit na pagbabantay sa mga sementeryo, terminal, at lansangan para sa obserbasyon ng Undas.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na handa ang mga field offices at may sapat na relief goods at ready-to-eat food packs sakaling ma-stranded ang mga pasahero.

Ininspeksyon din ng Department of Health (DOH) ang emergency tents sa South Luzon Expressway (SLEX) para masigurong may tulong medikal sa mga biyahero.

Habang pinatatityak naman sa Department of Trade and Industry (DTI) na walang taas-presyo sa mga bilihin ng Undas at patuloy ang price monitoring para mapanatiling abot-kaya ang mga produkto.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, bagama’t nasa APEC si Pangulong Marcos Jr., nananatiling prayoridad ng gobyerno ang kaligtasan, kaayusan, at kapakanan ng publiko ngayong Undas.