Kinoronahan bilang Miss Eco International 2025 ang pambato ng Pilipinas na si Miss Philippines Alexie Mae Brooks sa Egypt.
Nangibabaw ang 24-anyos na si Alexie sa ibang mga kandidata sa international crown.
Siya ay kinoronahan ni outgoing Miss Eco International 2024 Angelina Usanova of Ukraine.
Samantala, 1st runner up ang Indonesia; 2nd runner-up ang Ukraine; 3rd runner-up ang USA; at ang United Kingdom bilang 4th runner-up.