Nanganak ang isang elepante sa central Thailand sa hindi pagkaraniwan na kambal na itinuring ng mga caretakers na himala.

Ang ina, 36-year-old Chamchuri, ay hindi inasahan na manganganak ng kambal at nang iluwal niya ang lalaki nitong araw ng Biyernes,inakala ng mga staff sa Ayutthaya Elephant Palace and Royal Kraal na tapos na siyang manganak.

Subalit habang nililinisan nila ang unang anak at tinulungan na makatayo, may narinig sila na kalabog at dito nila nakita na nanganak ng isa pa na babae si Chhamchuri.

Nag-panic si Chamchuri nang iluwal niya ang pangalawa niyang anak at kinailangan siyang pakalmahin para hindi na maapakan ang kanyang anak na babae.

Isang staff ang nasugatan habang pinapakalma ang elepante.

-- ADVERTISEMENT --

Bihira na magkaroon ng dalawang anak ang elepanta at mas lalo nakapag kambal na lalaki at babae, ayon sa Save the Elephants, isang research organisation.

Sinabi ng mga staff na nang hilain nila angikalawang baby elephant mula sa ina, tumayo ang baby.

Sobrang saya nila dahil sa isa umano itong himala.

Itinuturing na sagrado ang mga elepante sa Thailand at sila ay national symbol.

Mas maliit ang babaeng elepante na may bigat na 55kg at kailangan na gumamit ng stool ang mga staff para makasusu siya sa kanyang ina.

Ang kanyang kapatid na lalaki ay mas malaki sa bigat na 60kg.