Nasa higit 200 ektarya ng palay sa lambak ng Cagayan ang apektado ng pamemeste ng brown planthopper insect o “ulmog”.

Ayon kay Science Research Specialist Mindaflor Aquino ng Department of Agriculture Region 2, na unang nakitaan ang pamemeste ng ng ulmog sa mga pananim sa Dupax, Nueva Vizcaya at sinundan sa Dinapigue, Isabela hanggang sa Sta Praxedes, Cagayan.

Sinabi ni Aquino na isa sa nakikitang dahilan ng pagkalat ng naturang pamemeste ay ang pabagu-bagong klima sa rehiyon.

Kasabay nito, magsasagawa ng field demonstrations ang DA para sa gagawing hakbang ng mga magsasaka upang labanan ang peste sa mga palayan gaya ng paggamit ng Biological Control Agents.

Maaari naman aniyang makakuha ng naturang biological agent sa research at experiment station ng DA sa limang lalawigan sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --