Hinihintay na lamang ng bayan ng Pamplona, Cagayan ang pagpapasinaya sa Balay Silangan upang pormal na itong maideklara bilang “drug cleared” municipality ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Itoy makaraang ideklara na 100% “drug cleared” o malinis na sa ipinagbabawal na gamot ang lahat ng barangay mula noong Decemeber 2021 subalit wala pang sariling Balay Silangan.

Ayon kay PMAJ Jose Cabaddu, Jr., hepe ng PNP-Pamplona, posibleng ngayong Linggo isasagawa ang turnover ng nasabing proyekto na magsisilbing reformation center ng mga drug surenderees.

Kasabay nito, kinilala ni Cabaddu ang papel na ginagampanan ng mga Barangay Anti Drug Abuse Council (BADAC) sa pagtugis sa mga illegal drug personalities lalong lalo na sa mga barangay.

Samantala, inihayag ni Cabaddu na tumataas ang bilang ng mga naitalang vehicular accidents sa naturang bayan na nagreresulta sa pagkamatay ng mga sankot kasabay ng pagluluwag ng restrictions sa lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --

Nangunguna aniya sa mga sasakyan na madalas na masangkot sa aksidente ang motorsiklo na bukod sa human error ay isa pa sa pangunahing dahilan ng aksidente ay ang pasaway na driver na kahit nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ay tuloy pa rin sa pagmamaneho.

Sa gitna din ng pandemya ay patuloy pa ring pinaiigting ng PNP-Pamplona ang kampanya nito laban sa mga kriminal na nagtatago sa batas.