
Inisnab ng Chinese Embassy sa Manila ang panawagan ng Pilipinas na magpakita ng restraint sa mga aktibidad militar ng China sa paligid ng Taiwan, na binanggit ang One-China Policy.
Sinabi ng Embahada na ang sitwasyon sa Taiwan ay “internal affair” ng China at hindi dapat pakialaman ng iba.
Idinagdag nito na ang pangunahing banta sa kapayapaan sa Taiwan Strait ay mula sa “Taiwan independence forces” at suporta mula sa labas.
Hinimok ng Embahada ang mga opisyal ng Pilipinas na sundin ang One-China commitment at huwag magbigay ng pahayag tungkol sa Taiwan.










