Nag-apply si dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo para sa accreditation bilang abogado ng International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni Panelo na ang pagiging ICC-accredited lawyer ang magpapahintulot sa kanya na maging bahagi ng depensa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung matanggap ang aplikasyon, makakabisita naman umano siya kay Duterte na kasalukuyang nasa detention facility ng ICC sa The Hague, Netherlands.

Una na rin niyang sinabi na inihain ng anak niyang si Salvador Paolo Panelo Jr. ang kanyang aplikasyon.

Maaari naman umanong abutin ng tinatayang walong buwan bago ito maproseso dahil kailangan nitong dumaan sa mga itinakdang requirement ng ICC para sa mga abogado.

-- ADVERTISEMENT --