Tinangka ng anti-corruption advocates mula sa iba’t ibang grupo na maghain kaninang umaga ng impeachmant complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa umano’y betrayal of public trust.

Subalit hindi tinanggap ng House Office of the Secretary General (OSG) ang nasabing reklamo dahil wala umano si Secretary General Cheloy Garafil.

Ito ay dahil nakatakdang pagkakalooban si Garafil ng Order of the Brilliant Star with Grand Cordon ng Ministry of Foreign Affairs ng Taiwan sa Taipei.

Binigyang-diin ni human rights lawyers at Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares na hindi tama na dahil sa wala si Garafil ay hindi na tatanggapin ang kanilang impeachment complaint.

Ipinaliwanag niya na batay sa House rules, maaaring ihain ang mga reklamo sa OSG at hindi kailangan sa secretary general lamang.

-- ADVERTISEMENT --

Ito sana ang pangalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos ngayong linggo, at ikinokonsidera ng mga naghain nito na tinggap ito kahit wala si Garafil.

Inaasahang mag-eendorso ng impeachment complaint ay ang three-member Makabayan bloc ng House Minority, tulad ng kanilang ginawa sa mga nakaraang impeachment complaints.

Inindorso din nila ang ikalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte noong 2024 at nilagdaan ang pang-apat noong Pebrero ng nakalipas na taon.

Nakasaad din sa reklamo laban kay Marcos dahil sa pagpayag umano nito sa sistema ng kickbacks at “commitments” sa infrastructure projects na nakinabang umano siya at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.