Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na kasama pa rin sa iniimbestigahan si dating Budget Secretary Amenah Pangandaman kaugnay ng isyu sa flood control projects, sa kabila ng muli niyang pagkakatalaga sa pamahalaan bilang chairperson at chief executive officer ng Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines.

Ayon kay Remulla, nananatiling bahagi si Pangandaman ng isinasagawang imbestigasyon ng Ombudsman.

Matatandaang nagbitiw sa puwesto si Pangandaman bilang Budget Secretary noong Nobyembre 2025 matapos madawit ang kaniyang pangalan sa kontrobersiya.

Samantala, iginiit ng Malacañang na ang muling pagtatalaga kay Pangandaman ay hindi nangangahulugang wala na siyang pananagutan o tapos na ang imbestigasyon, at maaari pa ring magsampa ng reklamo ang sinumang may sapat na ebidensya.