Dumating sa Maynila nitong Linggo si Santiago Peña Palacios para sa kaniyang official visit sa Pilipinas.

Sinalubong siya ni Department of Trade and Industry Secretary Cristina Roque sa Ninoy Aquino International Airport.

Inaasahang magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Palacios ngayong Lunes matapos itong imbitahan ng Pangulo.

Ito ang kauna-unahang presidential visit sa pagitan ng Pilipinas at Paraguay.

Tatalakayin ng dalawang lider ang pagpapalawak ng kooperasyon sa larangan ng kalakalan, pamumuhunan, at agrikultura.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa Presidential Communications Office, bahagi ito ng hakbang ng Pilipinas upang palawakin pa ang ugnayan nito sa mga bansang nasa Latin America at mapalawak ang economic partnerships ng bansa.