Hindi umano competent at capable si Pangulong Rodrigo Duterte sa paghawak sa problemang dulot ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang iginiit ni Cong. Neri Colmenares, chairman ng Makabayan Coalition bunsod ng krisis na nararanasan ngayon ng bansa.

Sinabi ni Cong. Neri Colmenares na kahayagan lamang ito na hindi sanay ang pangulo na humawak ng national position.

Aniya, malaki na ang utang ng bansa upang tugunan ang problema sa COVID-19 ngunit hindi pa rin napipigilan ang paglobo ng bilang ng mga tinatamaan ng sakit.

Tinig ni Cong. Colmenares

Inihayag niya na dapat pondohan ng pamahalaan ang mass testing na higit na makatutulong upang pagtukoy sa resulta ng kondisyon ng isang indibidwal laban sa virus.

-- ADVERTISEMENT --

Sa laki aniya ng inuutang ng Pilipinas sa iba’t-ibang bansa at banko ay hindi dahilan na walang pondo para sa pagsasagawa ng mass testing.

Kaugnay nito ay kinuwestyon din ng opisyal ang magulong datos ng COVID-19 na inilalabas ng Department of Health (DOH).

Paliwanag niya na dapat siguruhin ng kagawaran ang mga inilalabas na impormasyon para makagawa ng mas epektibo at malinaw na hakbang ang pamahalaan laban sa sakit.

Tinig ni Cong. Colmenares

Napakahalaga na malaman totoong estado ng bansa laban sa COVID-19 para sa paggawa ng desisyon at sakaling mali ang iniuulat ay maaapektohan lalo ang hakbang ng gobyerno.