
Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang husay at galing ng mga Pinoy athlete na nakilahok sa katatapos na 33rd South East Asian o SEA Games sa Thailand.
Sa ginanap na homecoming celebration sa Foro de Intramuros sa Maynila, inanunsyo ni Pangulong Marcos na magbibigay ang Office of the President ng dagdag na incentives sa mga medalist.
300thousand para sa mga gold medalist, 150k sa silver medalist at 60thousand sa mga nag uwi ng bronze.
Tinapatan ng Pangulo ang halaga ng cash incentives na ipinagkakaloob sa ilalim ng Republic Act 10699 o Athletes and Coaches Incentives Act.
Umabot sa 277 ang kabuuang medalyang naiuwi ng mga atletang Pinoy sa nakaraang SEA games kung saan, 50 ang nasungkit na gintong medalya, 73 ang silver medal at 154 ang bronze.
Nagbigay rin ang tanggapan ng Pangulo ng tig-10 libong piso para sa lahat ng atletalang nanalo sa ibang palaro bukod sa SEA Games.










