Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipapatupad niya ang batas laban sa mga sangkot sa online child sexual abuse at iginiit na ang bansa ang magiging lider sa paglaban sa katulad na mga krimen.

Ang Pilipinas ay ikinokonsidera na hotspot para sa onlise sex abuse and exploitation of children o (OSAEC) at child sexual abuse and exploitation materials (CSAEM).

Binigyan diin ni Marcos na ang ating bansa ay hindi safe haven para sa mga tao na nagsasagawa ng pang-aabuso at nananamantala sa mga bata.

Tinawag pa ni Marcos ang OSAEC at CSAEM ang pinakamasama na krimen dahil ang mga biktima ay mga bata.

Una rito, nakipagpulong ang pangulo kay Interior and Local Secretary Banjamin Abalos at iba pang opisyal at tinalakay ang kampanya ng pamahalaan laban sa online sex abuse.

-- ADVERTISEMENT --