Hindi dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Ukraine Peace Summit sa Switzerland, sa halip kakatawanin siya ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Carlito Galvez Jr.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inatasan ni Pangulong Marcos si Galvez na kanyang kinatawan sa nasabing summit.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang PCO kaugnay sa nasabing usapin.

Ito ay kasunod ng personal na pagbisita kamakailan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa Malacañang at personal na inimbitahan si Pangulong Marcos na dumalo sa nasabing summit na inorganisa ng Switzerland na magaganap sa June 15 hanggang 16.