Pag-aaralan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng clemency kay Mary Jane Veloso.

Sinabi nito na matagal na itong trinabaho para maalis sa death row si Veloso.

Panahon pa aniya ng administrasyon ni dating Indonesian President Joko Widodo hanggang sa kasalukuyan ngayong presidente na si Prabowo Sobianto ay inayos at nakahanap ng paraan kung paano mapapauwi ng bansa si Veloso.

Wala rin aniyang balak ang gobyerno ng Indonesia na bitayin si Veloso kaya humanap sila ng paraan para makabalik dito sa Pilipinas ang Pinay kaya dapat silang pasalamatan.

Dahi dito kaya’t kapag napauwi na aniya si Veloso dito sa bansa ay saka lamang sila ­magdedesisyon kung ano ang susunod kabilang na dito kung bibigyan siya ng clemency.

-- ADVERTISEMENT --