
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ng 21 bagong promote na flag officers ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Martes.
Ayon sa Presidential Communications Office, binigyang-diin ni Marcos ang mahalagang papel ng PCG sa pagbabantay sa maritime domain ng bansa, pagpapatupad ng maritime laws, search and rescue operations, pagtugon sa kalamidad at pagprotekta sa mga mangingisdang Pilipino.
Hinimok din ng Pangulo ang mga bagong opisyal na mamuno nang may tapang at integridad, gayundin na tumulong sa paghahanda sa susunod na henerasyon ng mga lider ng PCG at yakapin ang innovation at modernization sa kanilang serbisyo.
Sa kabuuan, 31 PCG flag officers ang na-promote. Dalawampu’t isa ang nanumpa kay Marcos, habang ang natitirang 10 ay nauna nang nanumpa kay Acting Executive Secretary noong Marso 6, 2026.










