Nakatakdang mamahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) Region 2 ng Certificate of Condonation with Release of Mortgage (CoCRoM).
Ito ang inihayag ni Regional Director Primo Lara ng DAR sa Lambak Cagayan.
Ayon kay Lara, gaganapin ito sa gymnasium ng Cagaban, Isabela sa mga susunod na araw.
Sinabi nito na gaya sa isinagawang pamamahagi ng certificate of condonation at land ownership award sa ibang rehiyon ay posibleng pangunahan din ito nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Secretary Conrado Estrellia III ng DAR.
Aniya, nasa 5,500 agrarian reform beneficiaries ang aktwal na makakatanggap ng kanilang certificate of condonation sa gaganaping seremonyal distribution dahil ito lang ang bilang na kayang i-accomodate ng nasabing venue.
Umabot sa P1.5 billion ang kabuuang utang ng mga magsasaka na kabayaran ng kanilang lupa sa land bank of the Philippines na nabura dahil sa pinirmahang batas ni Pangulong Marcos.
Aniya, nasa 26,000 hanggang 28,000 agrarian reform beneficiares ang nasakop ng programa mula sa 38,000 titles na sumasaklaw sa 47,000 hectares ng lupa.