
Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layunin ng kanyang limang araw na working visit sa Singapore na palakasin ang economic partnership at ihanda ang Pilipinas sa mga industriya ng hinaharap.
Ayon kay Marcos, hindi lamang pag-akit ng investments ang tututukan kundi ang pagbuo ng mga kailangan para mapanatili ang mga ito sa mga susunod na taon.
Nakatuon din ang kanyang pagbisita sa digital technology, artificial intelligence at advanced manufacturing, kabilang ang pagdalo sa Forbes Global CEO Conference.
Nakatakda rin siyang bumisita sa Singapore Nuclear Research Institute upang pag-aralan ang mga opsyon para sa pangmatagalang energy security ng bansa.
Kasama rin sa kanyang Singapore visit ang inaasahang pagdalo sa Formula 1 race, na ayon sa Philippine ambassador ay hindi gagastusan ng mga Filipino taxpayer.










