Sinuspinde ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangongolekta ng excise tax sa LPG at kerosene dahil sa mataas na presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sa ilalim ng Executive Order No. 125, ganap na suspendido ang excise tax sa LPG, maliban kung ginagamit bilang raw material sa petrochemical products o bilang fuel sa sasakyan. Kasama rin ang kerosene, maliban kung ginagamit bilang aviation fuel.

Sa ilalim ng TRAIN Law, may excise tax na P3 kada kilo sa LPG at P5 kada litro sa kerosene.

Inatasan naman ang DBCC, katuwang ang DOE, na suriin buwan-buwan ang pagpapatupad ng tax suspension at maaaring magrekomenda kung ito ay ipagpapatuloy, babaguhin, palalawigin o ititigil.