Inaasahan na naman ang panibagong pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy–Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB).

Ayon kay Assistant Director Rodela Romero, batay sa apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore at tinatayang gastos, posibleng magkaroon ng dagdag-presyo na humigit-kumulang ₱0.20 kada litro sa gasolina at ₱0.50 kada litro sa diesel, habang walang inaasahang pagbabago sa presyo ng kerosene.

Ito na ang ikalimang sunod na linggo ng pagtaas sa presyo ng gasolina at ikaapat na sunod na linggo para sa diesel.

Ipinaliwanag ni Romero na ang mga paggalaw sa presyo ay dulot ng ilang geopolitical tensions, kabilang ang pag-atake ng Israel sa Doha, Qatar na tumarget umano sa mga lider ng Hamas, at ang pagpasok ng Russian drone sa airspace ng Poland.

Bukod pa rito, nakaapekto rin ang pagbubukas ng mga bagong oportunidad sa kalakalan para sa industriya ng pagpapadala (shipping) dahil sa ipinataw na tariffs ng Estados Unidos, gayundin ang desisyon ng OPEC+ na magtaas ng produksiyon sa mas mababang antas kaysa inaasahan.

-- ADVERTISEMENT --