Nananatili pa rin sa loob ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea ang umano’y floating platform ng China.

Yan ang kinumpirma ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Rear admiral Jay Tarriela.

Ayon kay Tarriela, nagkakaroon lang umano ng 12 hanggang 15 chinese personnel ang nasabing platform lulan ng 2 service boat kapag i-uusog nila ang nasabing platform.

Dagdag pa ni Tarriela, lumabas sa kanilang assessment na ipinagpipilitan pa rin ng China na sakop ng kanilang soberansya ang Bajo de Masinloc, gayunpaman hindi umano ito kinikilala ng gobyerno ng Pilipinas.