
Inihain sa Kamara ang House Bill No. 9149 o Open Finance and Consumer Data Empowerment Act of 2025, na naglalayong gawing mas madali para sa mga Pilipino ang pagkuha ng pautang sa pamamagitan ng ligtas na pagbabahagi ng kanilang financial at transaction data.
Ayon kay Jude Acidre, layunin ng panukala na magamit ang mga digital transaction tulad ng e-wallet, pagbabayad ng bills at iba pang financial records bilang batayan sa pagsusuri ng creditworthiness ng isang aplikante.
Sa ilalim ng panukala, tanging may pahintulot ng consumer maaaring ibahagi ang kanilang financial data sa mga akreditadong lender.
Lilikhain din ang Consumer Data Commission upang mangasiwa sa seguridad ng datos, pagpapatupad ng mga pamantayan, at pagprotekta sa karapatan ng mga consumer.




