Inihain sa Kamara ang House Resolution 1370 na naglalayong itaas mula P1,000 hanggang P2,000 ang buwanang social pension ng mga senior citizen.

Inihain ito ng Makabayan Bloc sa pangunguna ni ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio. Layunin din ng panukala na maisama sa benepisyo ang mga SSS at GSIS pensioner na tumatanggap ng P10,000 o mas mababa kada buwan.

Iminumungkahi rin ang awtomatikong pana-panahong pag-adjust ng social pension batay sa inflation upang hindi bumaba ang halaga nito.

Ayon sa Makabayan Bloc, nasa 9.85 milyon na ang senior citizens sa bansa, o isa sa bawat 11 Pilipino. Hinimok naman ng Seniors Kontra Kurakot ang Kongreso na ipasa ang panukala at tiyaking may sapat na pondo para sa pagpapatupad nito.

-- ADVERTISEMENT --