Muling inihain ng mga mambabatas ng Makabayan bloc ang panukalang batas na humihiling na itaas ang minimum salary ng mga pampublikong guro sa P50,000.

Sinabi ni ACT Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio, ang House Bill (HB) No. 203 ay kabilang sa pangunahing legislative priorities ng kanilang grupo sa 20th Congress.

Ipinunto ng mga mambabatas ng Makabayan sa kanilang panukalang batas na ang pagtataas sa minimum pay ng mga guro sa P50,000 o katumbas ng Salary Grade 15 ay nasa ilalim ng inamiyendahan na Salary Standardization Law (Republic Act No. 11466).

Subalit sa kanilang ng mga amiyenda noong 2020 at 2024, nanatili sa Salary Grade 11 o P30,024 ang buwanang sahod ng mga pampublikong guro.

Dahil dito, sinabi ng grupo na ang panukalang batas ay may layunin na mapalapit ang agwat sa sahod ng mga guro at ang cost of living at para tugunan ang distorion na nilikha ng pagdoble sa entry-level pay ng militar at uniformed personnel.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa ng grupo na minamandato ng panukalang batas ang Deparment of Budget and Management, sa pamamagitan ng mga konsultasyon sa public sector union, na irekomenda sa Kongreso ang paglalaan ng kailangang pondo.