Inanunsyo ng Malacañang sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 97 na suspendido ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Metro Manila at iba pang lalawigan sa Setyembre 22, 2025.
Ito ay bilang paghahanda sa inaasahang matinding ulan na dulot ng Super Typhoon Nando at Southwest Monsoon.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Abra, Antique, Apayao, Bataan, Batanes, Batangas, Benguet, Bulacan, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Laguna, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Occidental at Oriental Mindoro, Pampanga, Pangasinan, Palawan, Romblon, Rizal, Tarlac at Zambales.
Mananatiling bukas at operational naman ang mga ahensiyang may kinalaman sa basic, vital at health services.
Samantala, ang suspensyon ng trabaho sa pribadong sektor ay nakadepende pa rin sa desisyon ng kani-kanilang pinuno.