Wala umanong dahilan para hindi matuloy ang pagbubukas ng klase sa araw ng Lune July 29, dito sa lalawigan ng Cagayan.

Sinabi ni Dr. Reynante Caliguiran ng Cagayan Schools Division Office na bagamat may ilang paaralan ang binaha bunsod ng mga pag-uulan ay manageable umano ang sitwasyon.

Ayon sa kanya, kabilang sa mga bayan na may naitalang bahagyang pagbaha sa mga ekwelahan ay sa Aparri, Calayan, at Santa Ana.

Sinabi ni Caliguiran na patuloy ang ginagawang Brigada Eskwela sa mga nasabing lugar upang matiyak na handa ang mga ito sa pasukan sa Lunes.

Kasabay nito, sinabi niya na minomonitor nila ang mga paaralan na may panganib ng pagbaha, pagkatumba ng mga gusali at landslides.

-- ADVERTISEMENT --