
Sinampahan ng patong-patong na kasong kriminal ang dalawang piskal o prosecutor, isang retiradong judge ng Muntinlupa, isang dating pulis at walong iba pa dahil umano sa sabwatan upang mangikil umano ng P50-M sa isang dayuhang locator sa Subic Free port.
Ang complainant ay si Lacsina Ann Sinlao, residente ng Brgy. Mabayo, Morong, Bataan.
Kabilang sa kinasuhan ay sina Olongapo Assistant Prosecutor Lilia Elizabeth Hinanay-Escusa; City Deputy Prosecutor Ria Niña Elizabeth Sususco; mag-asawang Juana Marquez at Norman Maneja at anak nilang si Cindy.
Retired Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Judge Leandro Catalo, Dismissed Policeman Elgie Dela Cruz Jacobe, Rudy Trance Salangsang, Media Blogger Joel Amongo, at tatlong miyembro ng Subic Bay Law Enforcement Department o Subic Bay Police na sina Al Joseph ‘Aj’ Abarro, Rufino Lucat, at isang alyas Gomez.
Ang reklamo ay may kinalaman sa paggamit umano ng grupo isang Jenny, anak na babae ni Sinlao, upang gumawa ng pekeng reklamong rape laban sa nasabing Subic business locator na isinampa rin sa Olongapo OCP noong February 13.
Nitong Agosto 21, nagsumite ng kanilang affidavit ang mag-inang sinlao sa cabanatuan prosecutors office kung saan itinanggi nila na sila ang complainant sa reklamo laban sa negosyante.
Ayon naman kay Atty. Baltazar Beltran, abugado ng pamilya Sinlao, hihilingin din nila na mag-inhbit ang Olongapo OCP dahil sangkot sa reklamo ang dalawa nilang kasamahan.
Una nang nag-inhibit ang Olongapo OCP sa pamumuno ni City Prosecutor Charlie Yap sa pagdinig sa pekeng reklamo kaya nalipat ang preliminary investigation sa Cabanatuan City.