Tiniyak ng Department of Agrarian Reform o DAR Region 2 ang patuloy na pagtulong sa mga magsasakang sakop ng agrarian reform beneficiary program

Sinabi ni Regional director Primo Lara ng ahensiya na patuloy ang pamamahagi ng tanggapan ng titulo ng lupa sa mga benepisyaryo bukod pa sa mga iba pang support program na ipinatutupad para maiangat ang pamumuhay ng mga magsasaka

Ayon kay Lara na ang pamamahagi ng mga e-title sa ilalim ng Project Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) at Certificates of Land Ownership Award (CLOAs) ay nakaangkla sa 9-point agenda ni dar secretary Conrado Estrella III.

Sa ilalim ng Land Tenure Security Program at Project Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (LTSP at SPLIT) ng departamento, kabuuang 500 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ang nakatanggap ng 3,000 individual regular at e-title na sumasaklaw sa 3,693 ektarya na ipinagkaloob noong july 7, 2023 sa Cabagan, Isabela.

Sinabi ni Lara na ang regionwide mass distribution ng CLOAs ay kasabay ng ceremonial signing ng New Agrarian Emancipation Act (NAEA), na nagco-condone sa lahat ng principal loan, unpaid amortizations at interests para sa Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) at hindi pagsama sa mga benepisyaryo sa pagbabayad ng estate tax sa mga lupang pang-agrikultura na iginawad sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

-- ADVERTISEMENT --

Aniya, namahagi din ang departamento ng mga e-title sa ilalim ng Project SPLIT at CLOAs na may humigit-kumulang 500 ektarya ng mga lupang pang-agrikultura sa lalawigan ng Isabela at nagsagawa ng Libreng Legal na Konsultasyon sa Agrarian Matters kasabay ng isinagawang Bagong Pilipinas caravan noong Nobyembre 25, 2023 sa Lungsod ng Ilagan, Isabela.

Sa pamamahagi nito ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage (CoCRoM), sinabi ni Lara na nakamit ng rehiyon ang 100% validation ng classified accounts na may kabuuang 38,547 ektarya, 26,883 ARBs, at 47,732 titulo.

Iniulat pa ni Lara na hanggang nitong Hunyo 2024, nakapagtala ang dar ng 2,036 na rehistradong e-title, 1,933 distributed e-titles, at 3,721 validated CLOAs.