Siniguro ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na mananaig ang mga batas ng Pilipinas sa operasyon ng US-led Pax Silica project sa New Clark City, Tarlac.

Ayon kay BCDA President at CEO Joshua “Jake” Bingcang, nananatili sa Pilipinas ang soberanya sa proyekto at sasailalim ito sa Investor’s Lease Act at BCDA law.

Ito ang paglilinaw ni Bingcang sa pagdinig ng House Committee on Economic Affairs kasunod ng tanong hinggil sa umano’y probisyon para sa joint governance sa panukalang legal framework ng proyekto.

Nilinaw din niyang nagpapatuloy pa ang negosasyon ng Pilipinas at Estados Unidos at wala pang tiyak na petsa ng paglagda sa kasunduan, bagama’t target ng Department of Trade and Industry na maisakatuparan ito bago matapos ang 2026.

Layunin ng Pax Silica na magtatag ng 4,000-acre industrial hub sa ilalim ng Luzon Economic Corridor, na nakatuon sa artificial intelligence, semiconductor at microchip manufacturing, at seguridad ng supply chain.

-- ADVERTISEMENT --