Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang bagong Rice Processing System II (RPS II) facility na itinayo ng Department of Agriculture (DA) sa Barangay Ipil, Echague, Isabela.

ang pasilidad ay itinayo sa halagang P67.48 milyon sa pamamagitan ng pondo mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program.

Layunin nito na mapababa ang gastos sa produksyon, mabawasan ang post-harvest losses, at matiyak ang mas matatag na suplay ng bigas habang pinapataas ang kita ng mga magsasaka.

Tampok sa pasilidad ang isang multi-stage rice mill na may kapasidad na tatlong tonelada kada oras, na nagkakahalaga ng P48.58 milyon.

Kasama rin dito ang limang recirculating dryers na may kakayahang magproseso ng tig-12 tonelada, na may kabuuang halaga na P18.9 milyon.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang makakatulong ang bagong sistema sa 70,556 na magsasakang nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na may kabuuang 66,303 ektaryang sakahan ng palay upang mapalakas pa ang sektor ng agrikultura sa rehiyon.