Ipinahayag ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na inaasahan niyang isasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang sarili sa ipinatupad nitong lifestyle check, lalo na’t may mga iniimbestigahang iregularidad sa mga proyekto sa flood control.

Ayon kay Hontiveros, magandang ehemplo ng pamumuno kung isasabay ni Marcos ang pagsisiwalat ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa mga lifestyle check ng mga opisyal sa ehekutibo.

Dagdag pa ng senadora, maaari ring boluntaryong isama ni Marcos ang kanyang mga kapamilya sa lifestyle check, upang mas maging buo ang pananagutan at tiwala ng publiko.

Bukas din umano siya, pati ang buong Senate minority, na sumailalim sa pagsusuri para ipakitang kolektibong pananagutan ito.

Samantala, ilan pang senador gaya nina Chiz Escudero, Joel Villanueva, Kiko Pangilinan, at Win Gatchalian ang nagpahayag ng suporta sa panukala.

-- ADVERTISEMENT --

Giit nila, hindi dapat tumigil sa DPWH ang lifestyle check kundi dapat palawakin pa sa iba pang ahensya, lalo na yaong may malalaking pondo sa imprastruktura.