Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahigit tatlong taon na silang hindi nagkakausap ng kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos.

Ayon kay Claire Castro, kinumpirma ito ng Pangulo sa isang press briefing sa Malacañang matapos siyang tanungin hinggil sa pahayag ng senadora.

Sinabi ni Castro na batay sa naging tugon ng Pangulo, hindi rin dumadalo si Sen. Imee Marcos sa mga family gathering at iba pang okasyon ng kanilang pamilya.

Nauna nang sinabi ng senadora na non-existent na ang kanilang ugnayan ng kanyang kapatid, at mahigit isang taon na rin umano mula nang huli niya itong makita.

Ayon pa sa kanya, mas pinipili na niyang hindi dumalo sa mga family reunion, bagamat hinahayaan niya ang kanyang mga anak kung nais nilang pumunta.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sa reaksyon ng Pangulo, sinabi ni Castro na batay sa kanyang obserbasyon sa body language nito, makikitang dismayado ito sa mga pahayag ng kanyang kapatid.

Ayon kay Castro, sa kanyang pananaw sa body language ng Pangulo ay makikitang dismayado ito sa mga nadidinig na pahayag mula sa kapatid.