Dismayado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa resulta ng K-12 Program dahil marami pa ring mag-aaral ang hindi nakakakuha ng trabaho kahit pa graduate na ng Senior High School (SHS).

Para kay Pangulong Marcos Jr., walang naging advantage ang K-12 dahil taliwas ito sa pangako ng programa noon na madaling makakapasok sa trabaho ang SHS graduate.

Giit ng Pangulo, ramdam niya ang hirap ng mga magulang sa K-12 program dahil dagdag gastos ito ng dalawang taon sa matrikula at iba pang pangangailangan sa pag-aaral ng mga bata.

Gayunpaman, ipinaabuya na ni Pangulong Marcos Jr. sa Kongreso ang desisyon kung ipagpapatuloy ang K-12 at ang tanging magagawa lamang nila sa ehekutibo ay pagandahin ang curriculum habang ito’y ipinatutupad.

Nagbababa aniya siya ng direktiba sa Deparment of Education (DepEd) at iba pang kaukulang ahensya na pagbutihin pa ang K-12 curriculum para maihanda ang mga estudyante sa pagtatrabaho at maiwasan ang job mismatch.

-- ADVERTISEMENT --