Dumating na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kuala Lumpur, ngayong Sabado para magpartisipa sa 47th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits.

Lumapag ang eroplanong may lulan sa Pangulo at sa delegasyon nito sa Malaysian capital ng alas- 2:50 ng hapon.

Nakatakdang dumalo ang Pangulo sa bilateral meetings sa sidelines ng summit at pormal na tatanggapin ang chairmanship ng ASEAN para sa taong 2026.

Opisyal naman na makikiisa ang ASEAN groups gaya ng Pilipinas, Singapore, Thailand, Indonesia, Malaysia, Brunei, Vietnam, Laos, Cambodia, Myanmar, at Timor-Leste sa regional bloc bukas, araw ng Linggo