Pinagpapaliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang St. Timothy Construction Corporation tungkol sa palpak umano na flood control project sa Calumpit, Bulacan.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa kanyang ginawang site inspection sa Rehabilitation of the River Protection Structure kasunod ng kanyang isiniwalat kamakailan na ang Bulacan ang may pinakamaraming flood control projects na umaabot sa 668.

Galit na sinabi ng Pangulo na dapat na sagutin ng kontratista ang palpak nilang proyekto at hinamon na pumunta sa lugar upang makita mismo ang hirap na ibinibigay nito sa mga mamamayan sa lugar.

Kasabay nito, sinabi ni Marcos na nalaman niya na walang isinagawang dredging o desiltation sa lugar bilang bahagi ng flood control project.

Iniutos ng Pangulo ang deployment ng scuba divers para magsagawa ng inspeksyon para malaman kung ano ang nangyari sa nasabing flood control project.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa Presidential Communications Office, isang residente rin ang sumulat sa Pangulo at nagreklamo sa substandard materials na ginamit umano sa palpak na proyekto.