Nilinaw ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nasa likod ng pagkaantala ng presentasyon ng Articles of Impeachment ng House prosecution panel laban kay Vice President sara Duterte sa Senado.
Ipinaliwanag ni Escudero na ang desisyon ay pagkatapos ng Legislative-Executive Development Council (LEDAC) meeting noong May 29, matapos ang konsultasyon sa ilang senador.
Idinagdag pa ni Escudero na ang pagkaantala ay wala ring kaugnayan sa kanyang hangarin na manatili bilang Senate president sa 20th Congress.
Matatandaan na nitong nakalipas na linggo, inihayag ni Escudero na ang pagbasa ng impeachment laban kay VP Duterte ay isasagawa sa June 11 mula sa unang plano na ngayong araw na ito, June 2.
Ayon sa kanya, ito ay para iprayoridad ang pagpasa ng mga mga items sa legislative agenda ng administrasyon bago ang sine die adjournment ng 19th Congress sa June 14.