
Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino na bantayan ang panukalang ₱7.2 trilyong pambansang budget para sa 2027 upang matiyak na hindi ito mapunta sa mga ghost project at imprastrakturang gumagamit ng substandard na materyales.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, inatasan ng Pangulo ang publiko na makipagtulungan sa pagbabantay sa paggamit ng pondo ng bayan.
Hinimok din niya ang publiko na isumbong ang anumang kahina-hinalang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Matatandaang nagbabala ang People’s Budget Coalition sa mahigit ₱1 trilyong umano’y mga red flag sa panukalang budget, kabilang ang mga pondong itinuturing na pork barrel o discretionary funds.
Samantala, ipinagtanggol naman ng mga lider ng Kamara ang mga pagbabagong ginawa sa panukalang budget.










