Binalikan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang masayang karaoke session ni Japanese Prime Minister Sanae Takaichi sa isang hapunan noong Mayo, sa kanilang muling pagkikita sa sidelines ng 49th ASEAN Summit sa Maynila.

Sa bilateral meeting nitong Lunes, Nobyembre 16, ikinuwento ni Marcos ang kanilang pagkanta ng mga classic songs ng bandang The Beatles, na paborito ng Pangulo, sa kanyang state visit sa Japan.

Bukod sa naturang masayang alaala, binigyang-diin ni Marcos ang mahahalagang hakbang na napagkasunduan ng dalawang bansa upang higit pang palakasin ang kanilang ugnayan.

Ipinahayag naman ni Takaichi ang kagalakan sa muling pakikipagkita kay Marcos at ang hangaring patatagin pa ang komprehensibong estratehikong ugnayan ng Pilipinas at Japan.

Nakatakdang dumalo ang Japanese leader sa ASEAN-Japan Summit at East Asia Summit sa Martes, Nobyembre 17.

-- ADVERTISEMENT --