Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcosa Jr. sa Department of the Interior and Local Government (DILG) and the Philippine National Police (PNP) na bantayan ang kinaroroonan ni Sarah Discaya at iba pa na nakatakdang mahaharap sa kasong malversation at anti-graft sa Office of the Ombudsman.

Sinabi ng Pangulo na ito ay may kaugnayan sa natuklasan na “ghost project” na nagkakahalaga ng mahigit P96 million sa Davao Occidental.

Ayon sa Pangulo na dapat na tiyakin ng DILG at PNP na alam nila ang kinaroroonan ng mga sasampahan ng kaso, dahil dapat na agad silang maaresto kung mayroon na silang warrant of arrest.

Kabilang din sa sasampahan ng kaso si Maria Roma Angeline Rimando, presidente ng St. Timothy Construction, ang nakalistang contractor ng nasabing proyekto at mga opisyal ng Department of Public Works and Highway na nag-aproba sa paglalabas ng pondo.

Sa isinagawang inspeksyon noong September 25, natuklasan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na noon ay advisor ng Independent Commission for Infrastructure na sinimulan lang ang paggawa sa proyekto sa Jose Abad Santos, Davao Occidental tatlong linggo bago isagawa ang inspeksyon, sa kabila na idineklara itong kumpleto at nabayaran na noon pang 2022.

-- ADVERTISEMENT --