Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hahayaan niya ang Kamara na gawin ang kanilang tungkulin sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte matapos na madala na ang mga ito kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy.

Sinabi ni Marcos na hindi niya trabaho ang nasabing usapin, at tiwala siya na gagawin ng maayos ng Kamara ang kanilang trabaho.

Una rito, kinumpirma ni House Secretary General Cheloy Garafil na dinala na niya ang dalawang impeachment complaints laban kay Duterte na inihain ng Makabayan Coalition at civil soceity organizations kahapon ng hapon.

Ang transmittal ng impeachment complaints ay hindi nangangahulugan na impeached na si Duterte.

Ito ay panimula lamang para masimulan ng Kamara na aksyonan ang nasabing mga reklamo, na inaasahan na maisasama sa Order of Business ng kamara sa kanilang plenary session.

-- ADVERTISEMENT --

Susundan ito ng kanilang referral sa House Committeee in Justice, na tutukoy naman kung ang mga reklamo ay sufficient in form at substance.