
Isusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 18th BRICS Summit sa India ang mga hakbang para sa kapayapaan, seguridad sa pagkain at enerhiya, at pagpapanatili ng rules-based international order.
Kinakatawan din ng Pangulo ang ASEAN bilang kasalukuyang ASEAN Chair.
Ayon kay Marcos, mahalaga ang pakikilahok ng ASEAN sa BRICS sa gitna ng mga pagbabago at hamon sa pandaigdigang ekonomiya.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga bansa sa mga usaping may epekto sa buong mundo.








