
Nagbigay ng reaksyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga banat at mga akusasyon laban sa kanyang pamilya ni Senator Imee Marcos.
Ayon sa pangulo, ayaw niyang pag-usapan sana sa publiko ang tungkol sa kanilang pamilya, dahil ayaw niyang ilantad ang dumi ng kanilang pamilya.
Sinabi ng pangulo na nababahala siya at kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan para kay Imee, dahil ang nakikita na babae sa telebisyon ay hindi ang kanyang kapatid.
”So, I’ll just say this much… For a while now, we’ve been very worried about my sister. When I say we, I’m talking about friends and family, and the reason that is is because the lady you see talking on TV is not my sister. That view is shared by our cousins, friends… hindi siya ‘yan,” dagdag ng pangulo.
Umaasa umano ang pangulo na magiging maayos ang kalagayan ng kaniyang kapatid sa lalong madaling panahon.
Idinagdag pa ng pangulo na hindi na wala siyang balak kausapin ang kanyang kapatid dahil magkabiba na ang kanilang tinatahak na landas.
Sa Facebook post naman ni Imee, sinabi niya na siya ang kanyang kapatid at hindi ibang tao.
Hinamon din niya si Marcos na patunayan na mali ang kaniyang akusasyon.
Matatandaan na sa isinagawang rally ng Iglesia Ni Cristo sa Quirino Grandstand noong November 17, inakusahan ni Imee ang kapatid niyang pangulo na gumagamit umano ng ilegal na droga.
Binanggit din ng senadora na gumagamit din ng ilegal na droga si First Lady Liza Araneta-Marcos at mga anak nito.
Hinamon din ni Imee ang First Family na sumailalim sa hair follicle drug test para malaman ang totoo.
Nauna nang itinanggi ng Palasyo ang alegasyon, at sinabing sumailalim na noon sa drug test ang pangulo bago ang presidential elections, at negatibo ang naging resulta.










