Magdo-donate ang Office of the President ng P50 million para sa pribinsiya ng Cebu kasunod ng 6.9 magnitude na lindol.
Binisita kanina ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.ang Bogo City, kung saan personal niyang tinignan ang sitwasyon ng mga biktima ng nasabing malakas na lindol.
Inisinailalim sa state of calamity dahil sa impacts ng pagyanig.
Umakyat na sa 72 ang mga nasawa sa lindol, ayon sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa NDRRMC, isasailalim pa sa validation ang mga casualty.
-- ADVERTISEMENT --
Samantala, umaabot na sa mahigit 2,000 ang aftershocks ng nasabing lindol.