Nakatakdang magkaroon ng bilateral meeting bukas, si Pangulong Bongbong Marcos sa bagong Presidente ng Singapore na si Tharman Shanmugaratnam at Prime Minister and Minister for Finance Lawrence Wong at Senior Minister Lee Hsien Loong.
Ayon sa Pangulo, gagamitin din nito ang pagkakataon, para maimbitahan ang bagong Pangulo at Prime Minister ng Singapore na bumisita sa Pilipinas, bilang testamento ng matibay na ugnayan ng ating mga bansa.
Ipinag diriwang ng Pilipinas at Singapore ang ika-55 taon ng diplomatic relations.
Nasa Singapore ang Pangulo para sa tatlong araw na working visit.
Si Pangulong Marcos ay naimbitahang keynote speaker ngayong taon sa tinaguriang Asia’s premier defense summit na Shangri-La dialogue 2024 na gaganapin naman bukas, May 31, 2024.
Una ng inihayag ng Pangulong Marcos na kaniyang bibigyang-diin ang tindig ng Pilipinas sa depensa at diplomasiya.