Masusi umanong pinag-aaralan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proposed 2025 General Appropriations Bill upang matiyak na ito ay naaayon sa Saligang Batas.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kasama ni Marcos sa mabusising pag-aaral sa iba’t ibang items sa General Appropriations Act (GAA) ang mga miyembro ng gabinete.
Ayon kay Bersamin, naging masinop ang pangulo sa programming at paggasta sa limitadong fiscal resources ng bansa.
Inaasahan na lalagadan ni Marcos ang P6.352-trillion proposed national budget para sa susunod na taon sa December 30, 2024.
Una rito, sinabi ni Bersamin na ilang items at provisions sa national budget ang ive-veto ni Marcos para sa public interest, at upang makatugon ito sa fiscal program, at susunod sa mga batas.