Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sina Atty. Debbie Jean Centeno-Dijamco at Atty. Paolo Teston bilang mga bagong associate justice ng Court of Tax Appeals (CTA).

Ayon sa Presidential Communications Office, tutulong ang dalawa kay CTA Presiding Justice Ma. Belen Ringpis-Liban sa pagganap ng mga tungkuling panghukuman at administratibo ng korte.

Bago ang kanyang appointment, nagsilbi si Centeno-Dijamco bilang undersecretary ng Department of Education mula 2025 hanggang 2026, habang si Teston naman ay naging director general ng Food and Drug Administration at undersecretary ng Department of Health bago italaga sa CTA.