Nakatanggap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng cowboy boots mula kay Texas Rep. Michael McCaul, chair ng foreign affairs committee ng US House of Representatives.
Una rito, nagigay ng regalo na commemorative coins kina McCaul at South Carolina Rep. Addison Graves Wilson sa kanilang pulong sa MalacaƱang.
Pinasalamatan ni Marcos si McCaul sa ibinigay na cowboy boots.
Sinabi ni Marcos na bilang pagsunod sa paniniwala at tradisyon ng bansa ay binigyan niya ng barya si ang dalawang mambabatas ng US.
Ang tinutukoy ni Marcos sa pamahiin ng mga Filipino na tumbasan mo ng piso kung may nagbigay sa ‘yo ng sapatos upang pareho kayong suwertihin.
Ang pagbibigay ng barya sa dalawang mambababatas ay nagpapahiwatig na binili ang nasabing sapatos.
Samantala, sa kanilang pulong, tiniyak nina McCaul at Wilson ang patuloy na suporta ng US sa ating bansa at patunay dito ang pagkakasama ng bansa sa US Foreign Military Financing program.