Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang yumayabong na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa patuloy na katatagan sa West Philippine Sea (WPS) at Indo-Pacific region.

Inihayag ito ng Pangulo nang makapulong niya si US Secretary of State Antony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin III sa Palasyo ng Malakanyang, bago pa ang foreign and Defense Ministerial Dialogue (2+2) ng dalawang bansa.

Kapwa pinasalamatan naman nina Blinken at Austin si Pangulong Marcos para sa mainit na pagtanggap sa kanila at Ipinaabot ang kanilang pakikidalamhati sa mga naging biktima ng bagyong Carina at pinalakas na southwest monsoon na kamakailan lamang ay humagupit sa capital region at karatig-lugar.

Muli namang inulit ni Blinken ang kahandaan ng Washington DC na magbigay ng kinakailangang tulong sa Maynila.

Aniya, ang nalalapit na 2+2 meeting ay “genuinely historic” at katibayan ng high level engagements” sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi naman ni Austin na isang pamilya ang Pilipinas at Estados Unidos.

Ang naging pagbisita nina Blinken at Austin ay matapos na banggain ng Chinese ships at bombahin ng tubig o gamitan ng water cannon ang Filipino vessels at crew members sa Ayungin Shoal sa WPS, kung saan nais lamang ng Pilipinas na magsagawa ng resupply sa outpost nito sa nakasadsad na BRP Sierra Madre.

Umabot na ang tensyon nang salakayin ng mga Chinese sailors noong nakaraang buwan ang isang Filipino boat, nasamsam din ng mga tropa ng tsino ang mga baril ng Philippine Navy nanng sumakay sila sa isa mga inflatable boat.

Hindi naman bababa sa walong mandaragat ng Philippine Navy ang nasugatan matapos ang mga sasakyan pandagat ng China ay naghangad na itaboy ang kanilang mga barko sa isang rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal sa WPS.

Kabilang dito ang isa na naputol ang daliri dahil nasugatan sa isang komprontasyon sa mga pwersang Tsino na bumangga at hinila ang kanilang inflatable boat habang sinusubukan nilang marating ang grounded warship na BRP Sierra Madre.