
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang pagkalungkot sa pagkakasangkot ng dating kaalyado na si dating Senador Bong Revilla Jr. sa umano’y flood control scandal.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sinabi ng Pangulo na bagama’t kaibigan, kailangan sundin ang proseso ng batas.
Iginiit umano ng Pangulo na mananaig pa rin ang due process upang malaman ang katotohanan.
Aniya, kung mapatunayang may kasalanan, dapat ay managot, anu man ang ugnayan sa Pangulo.
Tiniyak nito na rerespetuhin ng Pangulo ang mga institusyong may kapangyarihang mag-imbestiga sa isyu at magpanatili ng patas at makatarungang pamamahala.
-- ADVERTISEMENT --










