Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lider ng ASEAN na magkaisa sa pagharap sa epekto ng lumalalang tensyon sa Middle East.

Sa pagbubukas ng ika-48 ASEAN Summit, sinabi ng Pangulo na apektado na ang rehiyon sa usapin ng enerhiya, pagkain, at transportasyon dahil sa kaguluhan sa Middle East.

Iginiit din ni Pangulong Marcos ang agarang pagtigil ng labanan, mapayapang pagresolba sa sigalot, at pagpapanatili ng ligtas na pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz.

Dumalo sa summit ang mga lider ng ASEAN kabilang sina Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei, Pangulong Prabowo Subianto ng Indonesia, at Punong Ministro Anwar Ibrahim ng Malaysia.